Grupo na nagbebenta ng posisyon sa BARMM at ginamit pa ang katagang ‘first lady,’ laglag sa NBI
January 3, 2025
Nadakip sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim katao na nagpapakilalang may koneksiyon sa Malacanang at nagbebenta ng posisyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kapalit ng P8 milyon bawat isa.